-- Advertisements --

Malaking bagay para sa pambansang pulisya ang ipinangako ng senado para mapahusay pa ang kanilang capabilities para labanan ang terorismo sa bansa.

Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na nangako ang mga senador na sila ay tulungan lalo na sa pag buo ng batas, legislation, at budget ng sa gayon mapalakas pa ang kanilang mga kagamitan.

Sinabi ni Dela Rosa na panahon na para i-upgrade ang kanilang mga kagamitan partikular ang kanilang communication at investigation capabilities.

Sa pagdalo kahapon ni Dela Rosa sa closed-door meeting sa senado kasama sina Senators Koko Pimentel, Gregorio Honasan, JV Ejercito, Win Gatchalian at Tito Sotto kanilang napag-usapan kung ano ang maitutulong pa ng mga senador sa PNP lalo na sa kanilang anti-terrorism campaign.

Aminado si Dela Rosa na limited ang kanilang mga kagamitan at minsan sila ay nahihiya na dahil ang mga kalapit bansa gaya ng Malaysia, Indonesia ang palaging nagpapadala ng mga malalaking barko at helicopte na siyang nagsasagawa ng patrulya sa mga karagatan.