Pumalag si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y crime against humanity laban sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, hindi state sponsored o hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang extra-judicial killings (EJK).
Sinabi ni PNP chief na layon lamang aniya ng paghahain ng kaso na mapahiya ang Pangulong Duterte sa ASEAN Summit na hindi naman nagtagumpay dahil sa suporta ng mga lider sa rehiyon.
Kumbisido si PNP chief na hindi uusad sa ICC ang kaso dahil sa mahina ang reklamo at hindi state sponsored ang mga nagaganap na patayan na isinisisi sa war on drugs ng pamahalaan.
Matatandaang kabilang sina Dela Rosa at Pangulong Rodrigo Duterte kasama sa 10 iba pa sa mga kinasuhan ni Jude Josue Sabio sa ICC sa The Hague dahil sa umano’y crime against humanity.