Kinumpronta ni Senador Ronald “Bato” dela rosa si PAGCOR Senior Vice President Raul Villanueva matapos nitong maglabas ng isang unverified information na mayroong isang hepe ng pnp ang umano’y tumanggap ng monthly payroll sa operasyon ng pogo.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni dela Rosa batay kay PNP CIDG Police Major General Leo Francisco na purong chismis lang ang isiniwalat nito noon nakaraang pagdinig.
Ayon kay Villanueva, siya mismo ang nagsabi sa pagdinig na hindi pa kumpirmado at walang intelligence data sa kanyang nadinig na usap-usapan na may dating PNP chief ang nakinabang sa operasyon ng POGO at wala raw siyang nakuhang verification dahil abala sila sa PAGCOR sa pagtulong sa mga otoridad sa pagtugis sa mga ilegal na POGO sa mga lalawigan.
Humingi naman ng paumanhin si Villanueva para sa pagsasapubliko ng unverified information.
Gayunpaman, sabi ni dela Rosa, dapat matuto ng leksyon si Villanueva, na hindi dapat isapubliko ang mga hindi pa nabeberepika na impormasyon.
Ipinunto na dating chief si Villanueva ng intelligence service ng Armed Forces of the Philippines.
Pinuro naman ni dela Rosa si Villanueva matapos nitong humingi ng paumanhin dahil aniya officer and gentleman na umamin sa pagkakamali.