-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang ibinabang pasahero patungong Baguio City bago mag-crash ang helicopter sa Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija.

Ayon kay dela Rosa, “very smooth” ang naging takbo ng helicopter papuntang Baguio at wala raw siyang naramdaman na anumang aberya.

Dagdag ng senador, maayos din daw ang panahon ng mga araw na iyon.

Bukod sa senador, sakay din daw ang kanyang dalawang security.

Nitong Sabado, Pebrero 1, bumagsak ang R44 light helicopter na ikinasawi ni Julia Flori Monzon Po, 25 anyos. Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ng Maynila si Po nang bumagsak ang helicopter bandang alas-5 ng hapon.

Dalawang oras umanong nahirapan si Po bago lumipad ang chopper mula sa Binalonan,Pangasinan dahil sa isyu sa engine.