Aminado si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na pressured ang anak sa pagiging kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang unico hijo nito na si Rock Dela Rosa.
Sa panayam kay PNP chief kaniyang sinabi na willing ang anak na kaharapin ang mga pressure isa na dito ang pagiging pinuno ng pambansang pulisya ng kaniyang ama.
Ibinunyag din ni Dela Rosa na kaniyang diniscourage ang kaniyang anak na pumasok sa Academy pero nagpumilit ito na maging bahagi ng PNPA.
Hindi naman daw niya kayang diktahan kung ano ang gusto ng kaniyang anak dahil siya naman ang magdadala at magtitimon sa kaniyang buhay.
Nang makaharap ni PNP chief ang kaniyang anak at niyakap nito ng mahigpit at sabay na binulungan.
“Mahirap lumabas yung words, sumisikip yung dibdib ko e. I said I am proud of you my son,” pahayag ni Dela Rosa ng tanungin siya kung ano ang kaniyang ibinulong sa anak.
Kahapon pormal ng nirecognized bilang kadete ng PNPA ang anak ni PNP chief.
“May pressure on his part but then again he was willing to take all the pressure. He told me he can survive na yun nga from the very beginning I try to discourage him from entering the academy because I am the sitting chief pnp. Mapapansin sya kaya I was very hesitant but he insisted so what can I do. He has to take charge of his future. He has to guide his own ship ba,” pahayag ni Dela Rosa.
Masaya din si PNP chief na nalagpasan ng anak ang pinakamahirap na phase ang “plebehood” at hudyat ito na malaki ang tiyansa na maka graduate ito sa academy.
Banggit pa ni Dela Rosa na kaniyang naalala ang kaniyang sarili 39 years ago na siya ay pumasok sa Philippine Military Academy (PMA).
Hindi naman daw didiktahan ni Dela Rosa ang anak na sumunod sa kaniyang yapak lalo na ang pagiging advocate nito sa illegal drugs.
“Well as I have said from the very beginning iba sya iba ako, if he is going to follow the footsteps of his father which is most likely because idol nya ako so most
likely, given the opportunity,” wika ni Dela Rosa.