-- Advertisements --

Tinawag na fake news ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang sinasabi ng mga rights groups na umabot sa 30,000 ang bilang ng mga napatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sinabi ni dela Rosa, na dating hepe ng pambansang pulisya noong panahon ni Duterte, na walang katotohanan na umabot sa 30,000 ang napatay — ito aniya ay fake news. 

Ipinahayag din ni Dela Rosa ang kanyang saloobin tungkol sa patuloy na kritisismo laban kay dating Pangulong Duterte, na nahaharap sa imbestigasyon sa International Criminal Court dahil sa umano’y krimen laban sa sangkatauhan. 

Binigyang-diin ng senador na inilunsad ng administrasyong Duterte ang war on drugs hindi para sa pansariling kapakinabangan, kundi upang protektahan ang kinabukasan ng kabataang Pilipino at maiwasan na mapunta ang bansa na kontrol ng mga drug syndicate.

Sa isang punto aniya nagsimulang impluwensyahan ng mga drug lords ang local elections — na nagbantang gawing narco-state ang Pilipinas.

Sa kabilang banda, kumpiyansa naman si dela Rosa na ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte ay magiging malaking tulong para sa nalalapit na midterm elections.

Aniya, dahil sa mataas na trust rating ng pangalawang pangulo, may posibilidad na sundin ng kanyang mga tagasuporta ang pag-endorso nito.