Tiniyak ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na kaniyang sisiguraduhin na hindi makakabalik sa serbisyo ang sinibak na police colonel dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Inihayag ni PNP chief na hanggat siya ang pinuno ng pambansang pulisya kaniyang titiyakin na hindi ito makabalik sa serbisyo.
Sa direktiba na inilabas ni Dela Rosa nuong September 1, 2017, kaniyang ipinag utos ang dismissal from police service si PSupt. Lito Cabamongan dahil sa conduct unbecoming of a police officer.
Pitong buwan na ang nakakalipas matapos maaresto si Cabamongan sa isinagawang drug raid noong March 30 habang nag pot session sa isang compound sa Las Pinas City.
Nag positibo din ito sa shabu, pero iginiit na hindi siya adik.
Ipinag-utos na rin ni PNP chief sa PNP Directorate for Personnel and Records Management para ipatupad ang dismissal from the police service si Cabamongan.
Si Cabamongan ay dating nakatalaga sa PNP Crime Laboratory.
Nahaharap din sa summary dismissal ang nasa 15 pulis Caloocan na nanloob sa isang bahay at ninakaw ang ilang mga mahahalagang bahay.