Umapela si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na tanggalin ang P1-billion cap sa paggamit ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng mga kita mula sa Fire Code of the Philippines.
Sa pagbusisi sa panukalang pondo para sa susunod na taon, sinabi ni Dela Rosa na ang special provision sa P1-billion cap ay tinanggal sa 2024 General Appropriations Act (GAA).
Ngunit sa 2025 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Executive Department at pinagtibay sa 2025 General Appropriations Bill, ay muli itong isinama.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, na nag-sponsor sa panukalang 2025 budget ng BFP, ang pagtanggal ng cap sa 2024 GAA ay na-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pero hiniling pa rin ni Dela Rosa na tanggalin ang special provision, para mabigyan ng pagkakataon na magamit ng BFP ang kanilang available funds.
Sa ilalim ng Republic Act 9514 o ang revised Fire Code of the Philippines, 80 percent ng mga buwis, bayarin, at multa na kinokolekta ng BFP ay ipapadala sa National Treasury sa ilalim ng trust fund na itinalaga para sa modernisasyon ng tanggalan
Pinangunahan ni Dela Rosa ang pag-apruba ng Republic Act 11589 o ang BFP Modernization Act sa Senado noong 2021.