-- Advertisements --
MRT TRAINS 4

Dakong alas-7:30 na ng umaga bumalik ang operasyon ng MRT-3 makaraang matigil ang dahil sa nangyaring power failure.

Maaga pa kanina ay may ilan na ring stranded na pasahero na regular na sumasakay ang natengga kaya nag-deploy ng dagdag muna na mga bus ang MRT upang isakay ang stranded na mga pasahero makaraang matigil ang operasyon.

Humingi na rin nang paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga naabala dahil sa pagkabigong makabalik ang kanilang operasyon kaninang madaling araw.

Sinasabing una nang nagkaroon ng Meralco power failure sa bahagi ng Diliman at Balintawak sa Quezon City pasado alas-11:00 kagabi.

Nilinaw naman ng pamunuan ng MRT na nakahanda nang bumiyahe ang kanilang mga trains mula pa kaninang madaling araw mula sa kanilang mainline o depot sa bahagi ng North Avenue pero ang problema ay walang supply ng koryente.

Ang MRT-3 ay bumabiyahe mula sa North Edsa patungo ng south route sa kahabaan ng EDSA.