Patuloy ngayon ang isinasagawang pagtugon ng Department of Migrant Workers sa naunsaming mga ipinadalang libu-libong balikbayan boxes na inaasahang maipadala sana sa mga kaanak o mahal sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers.
Kung saan, nasa 5,000 sa mga ito ay hindi pa natatanggap ng mga pamilya o maihatid sa mismong destinasyon ng naturang box na pinag-ipunan at inihanda ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bansa.
Dahil dito, sineguro ng naturang kagawaran na patuloy ang kanilang pag-asiste sa paglutas ng isyu nang sa gayon ay tuluyan ng maresolba ito.
Ayon sa isang pampublikong panayam, sinabi ng kasalukuyang kalihim ng Department of Migrant Workers, na si Secretary Hans Leo Cacdac, sila’y nakikipag-coordinate na sa Bureau of Customs para maipahamagi na ang mga na-delay na balikbayan box.
‘Sa ngayon okay, nakikipagtulungan tayo sa Bureau of Customs, sa ngayon together with the BOC’s, we’re thankful to the BOC na-facilatate na ang ang release ng 9,000 boxes, but there are around 5,000 more to go,’ ani Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers.
Dagdag pa ni Secretary Cacdac, ang kagawaran ay nakahandang umasiste sa mga Overseas Filipino Workers na nabiktima ng scam na pinangakuang maipapadala ng door-to-door ang kanilang mga balikbayan box.
Pagtitiyak ng naturang kalihim, mayroon silang ipamimigay na tulong sa mga biktima kasabay ng pagseseguro na kanilang tututukan ang pagtugon sa isyung ito.
‘And then aside from this, we provide AKSYON Funds. Kasi nabiktima ng scam itong mga OFW families natin, nagbayad na dun tapos door-to-door tapos hindi nakarating… so they have been victimized and we provide AKSYON funds assistance as well to the families,’ pahayag pa ni Secretary Hans Leo Cacdac ng DMW.