-- Advertisements --
Tutulong na ang bansang Amerika sa pag-imbestiga sa motibo sa pagpatay ng presidente ng Haiti na si Jovenel Moise.
Dumating na doon ang mga ahente ng Estados Unidos upang alamin ang dahilan at tukuyin ang mastermind sa krimen.
Nasa 28 katao na itinuturong suspek ang nahuli ng mga otoridad na kinabibilangan ng 26 Colombian at dalawang US citizens.
Idinepensa naman ng mga suspek na wala silang balak na patayin ang pangulo kundi arestuhin lamang ito.
Kung maalala, binaril-pinatay si Moise sa loob ng kaniyang bahay.
Nauna nang tinanggihan ng Amerika ang request ng Haiti na magpadala ng tropa sa nasabing bansa habang nangangailangan pa ang United Nations ng Security Council authorization para makapagpadala ng tropa ng militar.