Pumanaw na ang lead singer ng R&B band na Delfonics na si William “Poogie” Hart sa edad 77.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Hadi sa pamamagitan ng kaniyang social media.
Sinabi nito na nahirapang huminga ang ama kay dinala nila ito sa Temple University Hospital sa Philadelphia at doon na namatay matapos ang kumplikasyon mula sa operasyon.
Inilunsad ni William kasama ang kapatid nitong si Wilbert ang grupo noong dekada 60.
Kasama nila sa banda sina Randy Cain, Ritchie Daniels at Thom Bell.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “La-la (Means I Love You”, ” Break Your Promise” , “I’m Sorry” at maraming iba pa.
Noong 1971 ay nagwagi sila ng Grammy Award para sa kantang “Didn’t I (Blow Your Mind This Time) para sa kategoryang Best R&B Performance by a Duo or Group, Vocal or Instrumental.