-- Advertisements --

Naluha na lamang habang nagbabahagi ng kaniyang saloobin at nagkukwento ng ilang karanasan niya kasama si dating pangulo Rodrigo Duterte ang isa sa abogado ng dating opisyal na si Atty. Martin Delgra sa kaniyang pakikipagusap sa mga tagasuporta ng dating opisyal sa harap ng detention facility sa The Hague, Netherlands.

Sa mga pahayag ni Delgra, iminungkahi nito na hindi aniya deserve ng dating pangulo ang kasalukuyang sitwasyon nito at ang mismong treatment na nakukuha nito mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Aniya, marami na umanong naging kwento tungkol kay FPRRD na hindi pa aniya alam ng publiko at hindi rin alam ang buong nilalaman ng istorya lalo na ang mga kritiko ng dating opisyal.

Karamihan aniya sa mga nagawa ni FPRRD ay hindi nakikita ng mga malilit na sektor ng lipunan sa bansa ngunit karamihan ay naniniwala at nakikita ang buong pagkatao ng dating pangulo.

Samantala, pinagpasalamat naman ni Delgra ang suportang natatanggap ng kaniyang kliyente at kaibigan mula sa publiko na siyang kitang-kita din umano sa nagings elebrasyon ng kaarawan nito noong Marso 28 kung saan nagkasa ng malawakang protesta ang mga tagasuporta ni FPRRD sa iba’t ibang bahagi ng bansa.