-- Advertisements --

Nagpatupad ng isang linggong lockdown ang capital city ng India na New Delhi dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magiging bukas lamang ang mga opisina ng gobyerno at essential services gaya ng mga pagamutan, pharmacies at groceries.

Kasabay din nilang ipinatupad ang weekend curfew para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.

Patuloy kasi na pinaghahandaan ng India ang ikalawang wave ng COVID-19 ngayong Abril.

Nitong Linggo ay nagkapagtala ang India ng 24,462 na kaso sa loob ng isang linggo.