NAGA CITY – Naniniwala ang isang political analyst na hindi maapektuhan ang paghimay sa 2021 National Budget sa kabila ng nangyayaring girian sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ito’y dahil na rin sa isyu sa pag-upo bilang house speaker sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Political Analyst Prof. Ramon Casiple, sinabi nito na naniniwala itong wala umanong pagbabagong mangyayari sa lower house.
Ngunit ayon sa kanya, maaaring pansamantala munang isantabi ang isyu upang tapusin ang budget hearing.
Kung saan maari naman umanong pagkatapos ng deliberasyon sa pondo, muling pag-usapan ang isyu sa loob ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa ngayon, inaasahan namang maipapasa na sa buwan ng Oktubre ngayong taon ang 2021 national budget.