-- Advertisements --
WARRIORS DURANT
Golden State Warriors (photo from @warriors)

GENERAL SANTOS CITY – Kailangan umanong bumawi at talunin ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors sa Game 3 o kaya sa Game 4 sa Oracle Arena sa Oakland, California, na balwarte ng karibal na team.

Naniniwala si Fred Lumba, isang sportswriter at analyst, na mahalagang maibalik sa Raptors ang momentum sa laro matapos silang matalo ng Warriors sa Game 2 at nagresulta upang maitabla ang serye na 1-1.

Ayon kay Lumba, sakaling magawa ng team nina Kawhi Leonard na maka-steal ng isang laro sa homecourt ng Warriors at maging 2-2 ang serye, magiging best of three ito at babalik sa kanila ang momentum sa laro at magkakaroon ng malaking pagkakataon ang Raptors.

Subalit sakali namang mabigo ang Toronto at maging 3-1 ang serye, magiging matindi itong pressure sa kanila na maipanalo ang susunod na homecourt games.

Pero mas ninipis naman ang pagkakataon para makamit ang inaasam nila na pagsungkit ng kampeonato.

May unsolicited advice din si Lumba kay Raptors coach Nick Nurse na dapat umanong gamitin nila ang “height advantage” tulad ni Marc Gasol.

Layon ng naturang diskart na patirahin sa low post upang ma-foul out ang malalaking players naman ng Warriors.

Gayunman, sa ngayon na 1-1 pa ang serye, 50-50 pa umano ayon kay Lumba ang tsansa para sa dalawang teams para magkampeon.