Pinababalik ng Supreme Court (SC) ang kandidatong tinanggal ng Comelec dahil sa isyu ng ginamit na lumang certificate of candidacy (CoC).
Sa ulat ng Manila Times, nag-isyu umano ang kataas-taasang hukuman ng Status Quo Ante Order (SQAO) para maitala muli bilang official candidates ang mga natanggal dahil sa nasabing rason.
Giit ng Korte Suprema, mali ang patakaran ng poll body na tanggalin sa listahan ng mga tatakbo para sa midterm elections dahil lamang sa hindi updated na dokumento para sa kandidatura.
Magugunitang ipinatupad ang pag-alis sa ilang politiko alinsunod sa Comelec Minute Resolution 19-0826, na may petsang Marso 6, 2019.
Sa bagong CoC ay nakatala ang item 22, kung saan pinadedeklara kung ang tumatakbo sa halalan ay napatawan na ng parusa o naideklarang guilty sa anumang criminal o administrative cases.
Ang bahaging iyon kasi ay hindi kasama sa nilalaman ng lumang CoC.