Mas pabibilisin pa ng Department ng Migrant Workers ang delivery ng indemnity claims ng mga displaced overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos na maapektuhan ng idineklarang bankruptcy ng ilang Saudi Arabian employers ang naturang mga OFWs.
Ang naturang programa ng DMW ay sa pakikipagtulungan nito sa isang government bank upang mas mapabilis pa ang pagproseso at crediting ng mga tseke para sa mga apektadong overseas Filipino worker (OFWs), gayundin ang mga claimant na pamilya ng mga namatay OFW na namatay na.
Kaugnay nito ay nag-aalok din ang naturang state-owned bank ng libreng over-the-counter banking services sa mga eligible OFWs na makakatanggap ng kanilang indemnity claims sa nasa 607 na mga branch, at branch-lite units sa buong bansa.
Habang makikipag-ugnayan din ito sa mga foreign depository banks para naman sa pagmo-monitor ng mga outward bills collections mula sa mga OFWs, gayundin ang pagsasaayos ng flow ng inward funds ng Overseas Filipino Bank accounts ng kanilang mga benepisyaryo.
Kung maaalala, una nang inihayag ng DMW na nag-credit na sila ng aabot sa 1,211 tseke na may katumbas na halaga na USD16.4-million para sa mga apektadong OFW.
Matatandaan din na noong Nobyembre 2022 ay nangako si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman ng dalawang bilyong riyals para sa unpaid salaries ng nasa 10,000 OFWs na employed sa mga construction companies sa kanilang bansa na nagdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016.