-- Advertisements --

Pormal nang naghain ng criminal complaint ang isang delivery rider na hinaras ng ilang indibidwal sa ginanap na Wattah Wattah festival sa San Juan City.

Ang biktima si Eustaquio Rapal ay inasistehan mismo ni Mayor Francis Zamora sa paghahain ng kaso sa San Juan City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Zamora, matapos ang insidente ay kaagad na nagtungo ang biktima sa barangay upang makita ang kuha ng CCTV.

Sa tulong ng mga barangay officials, natukoy nito ang mga indibidwal na nangharas sa rider.

Sa paglalahad ng rider, nakiusap siya sa mga nakilahok sa bansaan na huwag na siyang buhusan ng tubig dahil mababasa ang cellphone na kanyang ginagamit.

Nang pumalag ito ay binatukan siya ng ilang indibidwal sa ulo.

Una rito ay humingi nang paumanhin ang alkalde ng San Juan sa mga napirwisyo at tiniyak na pananagutin nila ang mga lumabag na indibidwal.