-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang Delivery Rider sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si John Paul Pacot,33 anyos,may-asawa,delivery rider ng J@T forwanding company at residente ng Barangay Katipunan Makilala Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na naghatid laman ng parcel (package) ang biktima sa Barangay Poblacion Magpet Cotabato nang bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Kidapawan City.

Patay on the spot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magpet Cotabato PNP sa pamamaril patay sa biktima.