-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Delta Air na kanilang pansamantalang ititigil ang flights patungong Israel.

Ayon sa nasabing airline company na ang kanilang flights mula John F Kennedy International Airport sa New York ay pansamantalang hindi babiyahe sa TelAviv.

Hanggang sa Disyembre 31 ay wala muna silang biyahes sa nasabing bansa dahil umano sa lumalalang tensiyon.

Sinabihan na nila ang mga apektadong pasahero kung saan pinaghahanda ang mga ito sa anumang gagawing pagbabago sa mga flight schedules.

Ang nasabing kanselasyon ay dahil sa patuloy na tensiyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.