-- Advertisements --

Itinuturing ng US ang Delta variant ng novel coronavirus bilang pinakamatinding banta ngayon.

Sinabi ni US infectious disease expert Dr. Anthony Fauci na ang nasabing variant na unang nadiskubre sa India ang siyang makakasira sa ginagawang mass vaccination ng US.

Malakas kasing humawa raw ang naturang variant kumpara sa ordinaryong mga COVID-19.

Itinuturing na globally dominant version ng sakit ang Delta variant.

Paliwanag din nito na epektibo ang mga bakunang ginagamit ng US na Pfizer/BioNTech vaccine laban sa bagong variant ng COVID-19.

Magugunitang ang Delta variant ang siyang kumalat sa India noong Abril at Mayo na kumitil sa buhay ng ilang daang mamamayan doon.