-- Advertisements --
Itinuturing ngayon ng scientific community na ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 ay ikinokonsidera bilang “pandemic of the unvaccinated”.
Dahil dito ay nananawagan ang gobyerno na magpabakuna laban sa COVID-19 matapos na lumabas sa pag-aaral na madalang na nadadapuan ang mga taong fully vaccinated na.
Ayon sa MITMedical na base sa kanilang pag-aaral na ang mga bakunado na ay may maliit na dalang virus kumpara sa mga hindi pa nababakunahan.
Aminado si MITMedical director Cecilia Stuopis na ang Delta ay siyang nagsulong sa komunidad na pataasin ang bilang ng mga nababakunahan laban sa COVID-19.