-- Advertisements --

Mas nakatutok ngayon ang mga health experts sa bansa sa Delta variants kumpara sa Lambda variant.

Ayon kay Cynthia Saloma ang executive director ng Philippine Genome Center na ang Lambda variant ay hindi nakita sa pagtaas ng COVID-19 infections kung saan saan ito ay unang nakita.

Dagdag pa nito na mas nakakatutok sila sa Delta kaysa sa Lambda.

Hindi pa rin aniya napapatunayan na ang mutation ay nakakaapekto sa efficacy ng vaccine.

Magugunitang naitala ang unang kaso ng Lambda variant na mula aniya sa 35-anyos na babae na buntis ng suriin ang samples nito sa Philippine Genome Center.