-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinatupad ang total lockdown sa Brgy, Natba, sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte dahil umano sa kaso ng Delta variant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Barangay Chairman Demsey Albano, hinihintay pa niya ang kumpirmasyon hinggil sa kaso ng Delta variant.

Sinabi nito na tatlo ang aktibong kaso ng coronavirus at ang isa ay umanoy kaso ng Delta variant.

Kinumpirma ni Albano na nagmula sa Cavite ang pasyente at isang kasapi ng Philippine Coast Guard.

Dahil sa total lockdown ay itinayo nila ang dalawang checkpoint para sa mas mahigpit na pagbabantay sa kanilang barangay.

Hiniling naman ng kapitan sa kanyang nasasakopan na mag-ingat at sumunod sa health protocols.