-- Advertisements --
Nagiging dominant strain na sa US ang Delta variant ng COVID-19.
Ito ang naging pagtaya ng US Centers for Disease Control and Preventions (CDC).
Ayon sa CDC na noon pang Hulyo 3 ay mayroong 51.7 percent na kaso ang iniugnay sa unang variant na nakita sa India.
Nahigitan na nito ang Alpha variant na unang nadiskubre sa Britain.
Sinasabing mas mabilis na makahawa ang nasabing Delta variant kumpara sa ordinaryong ng uri ng COVID-19.