-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nakapasok na sa probinsya ng Cotabato ang Delta variant ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ang kinompirma ng Department of Health (DOH) at ang pasyente ay isa umanong senior citizen.
Sinabi ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) chief Dra. Eva Rabaya na nakarekober na ang pasyente habang isinasagawa na ngayon ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Ang Delta variant ay ang mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Una na rito, tatlo na rin ang nahawaan ng Beta variant, tig-isa mula sa bayan ng Midsayap, President Roxas at Tulunan Cotabato.
Sa ngayon hinigpitan pa ang minimum health protocols sa probinsya ng Cotabato kontra COVID-19.