-- Advertisements --
Hindi tinatarget ng Delta variant ng COVID-19 ang mga bata.
Sinabi ni World Health Organization (WHO) COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove na ang nasabing variant na unang nakita sa India ay naililipat ito sa mga pagkukumpulan ng mga tao.
Wala aniyang ebidensiya na bata lamang ang target ng Delta variant dahil karamihan sa mga naiulat na dinapuan nito ay yung mga may edad na.
Ang nasabing Delta variant ay unang nakita sa 132 na bansa at ito ay mabilis na makahawa kumpara sa unang uri ng virus na nakita.