-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.

Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.

Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO) ang pamahalaan hinggil dito.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na katangian ang deltacron kung kaya’t hindi pa malaman kung mabilis itong makakahawa.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan bilang paghahanda at upang mapigilan ang posibleng pagpasok nito sa Pilipinas.