CENTRAL MINDANAO-Posibleng tataas pa ang pangangailangan (demand) ng suplay ng bigas mula sa Mindanao,fulot ito ng matinding epekto ng magkasunod na bagyong Quinta, Rolly at ang Super typhoon Ulyses.
Itoy batay sa pagsusuri ng Mindanao Development Authority o MinDa.
Ito ang kinomperma ni MinDa chairman Secretary Emmanuel “Manny”Piñol, matapos na malawak na mga taniman ng palay at ibangmga pananim na pang-agrikultura ang nasira dahil sa tatlong mga bagyo.
Sinabi ni Piñol, na batay sa datus ng Department of Agriculture o DA na nasa P12.8-Billion ang naging pinsala sa sektor ng agrikultura, partikular na sa farm commodities kagaya ng bigas, mais at mga high-value crop.
Ito ang maaaring dahilan sa posibleng pagtaas ng demand ng mga produktong ito lalo na ang bigas na manggagaling sa Minadanao.
Nabatid na isa sa naging kampanya ng pangulong Rodrigo Duterte ng magsimula ang kanyang administrasyon na magkaroon ng 100% rice self-sufficiency, subalit naging salungat ito sa naging ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA kung saan bahagyang bumagsak sa 79.8% mula sa 95% ang food availability and sufficiency ng bansa sa nakaraang tatlong taon.
Dagdag ng kalihim, dapat gumawa ng tamang polisiya at patuloy na kampanya laban sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa upang hindi mawalan ng interes ang mga magsasaka na mag tanim at mapalakas pa ang industriya ng agrikultura sa bansa.