Nagsimula nang tumaas ang demand sa lechon at ham sa gitna ng maagang preparasyon para sa Pasko at Bagong Taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa, tuloy-tuloy na ang pagtaas ng demand sa lechon at ham hanggang sa mismong pasko at bagong taon.
Sa kabila nito, kampante ang DA na makakayang tugunan ang mataas na konsumo sa mga naturang commodity dahil sa nananatili umanong mataas ang supply ng karne ng baboy.
Una na ring sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi magpapataw ang ahensiya ng price cap sa lechon ngayong holiday season, sa kabila ng pagtaas ng demand.
Katuwiran ng kalihim, ang lechon ay isang luxury item at hindi basic necessity kaya’t hindi puwedeng ipataw ang price control dito.