-- Advertisements --

Pumayag na umano si dating All-Star center DeMarcus Cousins na pumirma ng one-year deal sa Houston Rockets.

Ayon sa ilang mga impormante, nalimitahan daw ang Rockets sa pag-alok ng veteran’s minimum kay Cousins, na hindi nakapaglaro noong nakalipas na season matapos mapunit ang ACL sa kanyang kaliwang tuhod na natamo nito matapos pumirma sa Los Angeles Lakers.

“Grateful for the opportunity and excited for what’s ahead,” wika ni Cousins.

Ang 30-anyos na si Cousins ay naging four-time All-Star sa Sacramento Kings at New Orleans Pelicans, at nagtala rin ng career average na 21.2 points, 10.9 rebounds at 3.2 assists per game.

Maliban dito, nakatakda ring kunin ng Houston si dating Detroit Pistons center Christian Wood sa ilalim ng three-year, $41 million contract.