-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ng beteranang actress na si Demi Moore matapos na makuha ang kauna-unahang best actress award sa katatapos na Golden Globe Award.
Kinilala siya sa nasabing pagganap niya musical at comedy film na “The Substance”.
Ayon sa 62-anyos na actress na hindi niya inaasahan ang panalo at ito ay nagulat pa matapos na tawagin ang kaniyang pangalan.
Sa loob kasi ng mahigit na 45 taon nito sa showbiz ay ngayon lamang siya nakakuha ng nasabing award.
Nagdiwang naman ang kaniyang mga kaanak at malapit na kaibigan kung saan bumuhos ang pagbati sa kaniyang panalo.