-- Advertisements --

Inaasahan na isa sa magiging “superstar” at aagaw ng husto ng atensiyon sa ginaganap na 30th ASEAN Summit sa Pilipinas ay ang kinatawan ng Myanmar na si State Counsellor and Foreign Minister Aung San Suu Kyi.

Kinikilala kasi ng buong mundo si Suu Kyi bilang “democracy icon.”

Tumanggap na rin ito ng maraming awards at international acclaims.

Kabilang na ang 1991 Nobel Peace Prize, Jawaharlal Nehru Award, Order of Australia, US Congressional Gold Medal, at Presidential Medal of Freedom.

Si  Suu Kyi ang kauna-unahang recipient sa  American history na ginawaran ng  Congressional Gold Medal habang nakakulong.

Kasama sa pagpupugay kay Suu Kyi ng maraming mga bansa ay ang paggawad sa kanya na honorary citizen.

Ini-adopt din siya ng Canada, at honorary member din ng Nelson Mandela’s Elders.

Sumikat ng husto si Suu Kyi noong taong 1988 nang mag-aklas ang kanyang mga kababayan.

Bilang General Secretary ng dating National League for Democracy (NLD) noong 1990 elections, nanalo ang kanyang partido ng mahigit sa 80 porsyento sa parliyamento.

Pero tumanggi ang military junta ng Myanmar na i-turnover ang kapangyarihan.

Nakisama ang Pilipinas noon sa maraming mga bansa sa pagkondena sa gobyerno ng Myanmar.

Bago pa man ang halalan ay nakadetine na si Sung Kyi sa pamamagitan ng house arrest.

Tumagal ito ng halos 15 taon, dahilan para ituring siya bilang isa sa prominenteng political prisoner sa mundo.

Noong 2010 ay nag-boycott na ang kanyang partido sa halalan.

Taong 2015, landslide ang naging panalo ng kanyang partido,

Kung tutuusin, puwedeng maging presidente ng Myanmar si Aung San pero bawal sa kanilang saligang batas bunsod na ang kanyang yumaong mister at dalawang anak ay mga foreign citizens.

Kaya naman ang bagong posisyon na hawak niya na State Counsellor mula noong buwan ng Abril ng nakaraang taon ay katumbas din sa isang Prime Minister o kaya head of government.

Noong taong 2013 sa APEC Summit sa Burma, nakausap ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Suu Kyi.

Tinawag niya itong “nakamamanghang kausap bilang isang taong makasaysayan.”

Noong buhay pa ang dating Pangulong Cory Aquino, kabilang ito sa nangampanya para palayain si Suu Kyi at ibalik ang demokrasya sa Burma.

Noong March 20 nitong taon, bumisita ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar at doon sila unang nagkaharap ni Aung San.

Sa nasabing pulong ay iniabot ng Pangulong Duterte ang katumbas na halos P15 million bilang donasyon sa humanitarian efforts ng kanilang pamahalaan.

Nasa 1,800 Filipinos ang nasa Myanmar kung saan marami sa kanila ay nagtatrabaho sa foreign firms at international organizations.

Ang pangalang Aung San Suu Kyi ay walang apelyido tulad sa mga Burmese names.

Ang Aung San ay mula sa pangalan ng kanyang ama, ang Suu sa kanyang paternal grandmother at sa Kyi ay pangalan ng kanyang ina na si Khin Kyi.

Kung nasa Myanmar si Suu Kyi, tinatawag din siyang Daw Suu o parang salitang Auntie o kaya Madam.

Noong kanyang kabataan si Suu Kyi ay nag-aral sa India at sa University of Oxford sa London.

Pagkatapos nito ay nagtrabaho rin siya ng tatlong taon sa United Nations.

Ang Nobel Peace Laureate ay 71-anyos na.

Ipinanganak siya June 19, 1954.

Noon pa man ay nagpahiwatig na si Suu Kyi na bumisita sa Pilipinas.

Sa kanyang pagtungo sa Pilipinas para dumalo sa ASEAN Summit, siya lamang ang tanging babaeng head of state sa 10 mga ASEAN member countries.