Sa pagtatapos ng dalawang araw na virtual Democracy summit na pinangunahan ni US President Joe Biden, ilan sa mga inisyatibo o hakbangin na ipinangako ng mahigit 100 world leaders na dumalo ang pigilan ang otokrasiya mula sa maling paggamit ng malalaking teknolohiya, pagkakaroon ng integridad sa eleksiyon at mapalakas ang independent media.
Sa closing remark ni Biden, kaniyang inamin na magiging mahirap ang kanilang tatahaking daan para sa demokrasiya sa gitna ng pag-usbong ng authoritarianism sa buong mundo.
Nangako din si Biden ng $424 million para sa pagsuporta sa nasabing mga inisyatibo para sa susunod na taon.
Ang Australia, Denmark at Norway kasama ang US ay maglulunsad ng joint effort na layong mapigilan ang misuse ng teknolohiya mula sa mga makapangyaring authoritarian at para makapag-develop ng bagong teknolohiya para suportahan ang karapatang pantao.
Plano pa ni Biden na magsagawa ng follow up summit sa susunod na taon.