Magsisimula mamayang ala-9 a.m oras sa Pilipinas ang apat na araw na Democratic National Convention (DNC) bilang pagkakaisa ng partido para sa kanilang kandidato sa pagkapangulo ng US.
Dahil sa coronavirus pandemic at napilitan ang Democrats na baguhin ang convention sa pamamagitan ng pagtanggal na ng malakihang pagtitipon sa Milwaukee, Wisconsin at gawin na lamang itong prime-time packages ng virtual speeches at events.
Ilan sa mga napiling magbibigay ng talumpati ay ang dating naging matinding katunggali ni Biden na si Bernie Sanders, dating first lady Michelle Obama at dating Ohio governor na tumakbo sa pagkapangulo noong 2016 kalaban si US President Donald Trump na si John Kasich.
Pormal na i-nonominate ng Democrats sa Miyerkules oras sa Pilipinas si Biden na tatakbo sa November 3 presidential elections at sa Biyernes ay gaganapin ang kaniyang acceptance speech para tapusin ang convention.
Magiging bise presidente naman ni Biden si Kamala Harris na dating attorney general.