Pumanaw na ang beteranong US Democratic congressman Elijah Cummings sa edad, 68.
Ayon sa kampo nito na nagkaroon ng matagal ng sakit na dinaramdam ang 68-anyos na congressman.
Bilang chairman ng House of Representatives Oversight Committee, siya ang namuno sa iba’t-ibang imbestigasyon kay US President Donald Trump.
Taong 1996 ng manalo ito sa pagiging kongresista ng Baltimore.
Isa si Cummings sa mahigpit na supporters noon ni dating US President Barack Obama noong 2007.
Iniutos naman ni Speaker Nancy Pelosi na ilagay sa half-staff ang watawat ng Amerika na nakalagay sa Capitol bilang pakikidalamhati kay Cummings.
Nanguna naman si Obama ng nagpaaot ng pakikiramay sa kaanak ni Cummings.
Maging ang mga kasamahan ni Cummings sa kongreso ay nagpaabot na rin ng kalungkutan sa pagpanaw nito.