Iniukol ni US President Donald trump ang halos kanyang talumpati sa pagbuwelta sa mga kalabang partido na Democrats at magiging karibal sa 2020 presidential elections na si dating Vice President Joe Biden.
Humarap sa kanyang mga supporters si Trump sa ginanap na rally sa estado ng Minneapolis.
Binanatan ni Trump ang Democrats na siyang nagsusulong para sa siya ay ma-impeach sa US Congress.
Ayon kay Trump, wala raw kasing panalo sa kanya ang mga kalaban sa 2020 US presidential elections.
“Over the next 13 months, we are going to fight with all of our heart and soul – and we are going to win the Great State of Minnesota in 2020!”
Umabot pa sa personalan ang pagbatikos ni Trump laban kay Biden at sa anak nito na si Hunter.
Ang mga Bidens kasi ang naging ugat sa isinusulong na impeachment laban sa kanya dahil sa umano’y kuwestiyunableng pagpapaimbestiga ni Trump sa presidente ng Ukraine.
Inakusahan din ni Trump na umano’y nagpayaman ang mga Biden’s at nagnakaw pa raw sa kaban ng kanilang bayan.