Nagpahayag na rin ang tatlo pang prominenteng Democrats ng pagnanais nilang tanggalin si US President Donald Trump sa kanyang pagka-pangulo.
Ito ay matapos ang inilabas na pahayag ni Rober Mueller na siyang naatas na mag-imbestiga sa di-umano’y pakikialam ng Russia sa presidential election noong 2016.
Una rito sinabi ni Mueller na hindi pa naaabswelto si Trump sa kinkaharap nitong obstruction of justice taliwas ito sa unang sinabi ng pangulo.
Ayon dito, hindi umano option na kasuhan ang presidente na kasalukuyang nasa posisyon.
Ngunit nang dahil sa pahayag na ito ni Mueller ay nadagdagan pa ang mga Democrats na nais pababain sa pwesto si Trump.
Walang takot na inihayag nina Democratic candidates Cory Booker, Kirsten Gillibrand at Pete Buttigieg ang kanilang pagnanais na alisin ang pangulo sa kanyang posisyon.
Ipinagkibit balikat naman ito ni Trump at sinabing walang sapat na ebidensya ang mga Democrats upang idiin siya di-umano’y kanyang kasalanan.