-- Advertisements --
Nabigo ang mga Democrats na magpatawag ng karagdagang witness at dokumento para sa impeachment trial ni US Donald Trump.
Nakakuha ng 51 na boto ang komontra at 49 lamang ang sumang-ayon na mga senator-judges na dapat magkaroon ng karagdagang witness.
Ipinagpipilit kasi ng mga Democratic senators na ang impeachment trial na walang witness ay hindi trial at ito ay walang kuwenta.
Pinaggigiitan nila na walang kuwenta ang nasabing impeachment proceedings dahil kinontrol ng Republicans na kakampi ni Trump ang Senado.
Nauna rito, naniniwala si Democrat at impeachment manager Rep. Adam Schiff ang kahalagahan ng witness at dapat na hindi ito ipagsawalang bahala.