ROXAS CITY – Nangingibabaw umano ngayon sa US Presidential Polls ang Democratic Party sa pangunguna ni presidential hopeful Joe Biden.
Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales tubong Lambunao, Iloilo at naka-base ngayon sa Houston, Texas nang ma-interview ng Bombo Radyo.
Ayon kay Gonzales, mas abanse ngayon sa national polls si Biden kung saan umabot na sa 51% ang nakuha nitong polls habang 43% naman kay US President Donald Trump.
Dahil sa papalapit na US election sa Nobyembre 3, may kanya-kanyang mga pinapaboran ang Filipino Community sa Amerika na gusto nilang manalo bilang pangulo ng bansa.
Batay sa isinagawang recently survey sa mga residente maraming nagpabor at nag simpatiya na manalo ang Democratic Party kung ikumpara sa Republican Party.
Sinabi ni Gonzales na bibantayan ngayon sa Estados Unidos ang naturang eleksyon dahil mayroong mga patutsada sa isa’t-isa sina Trump at Biden para makuha ang simpatiya ng mga tawo.
Nabatid na ipinangako ni Trump sa mga residente na kung siya ang manalo bilang presidente ng America na papababain nito ang taxes, papadamihin ang mga trabaho at negosyo sa bansa.
Samantala, sa isinagawa namang political campaign ni Biden sa ilang mga lugar sa bansa ay sinabi nito na kailangan na palitan si Trump dahil marami na itong hinaharap na isyu sa America kung saaan bagay lamang na hindi ito iboto ng mga tao.