ILOILO CITY – Mahalaga pa rin para sa democrats ang resulta ng runoff election sa Georgia sa Disyembre 6 sa kabila ng latest political development kung saan napanatili ng partido ang kontrol sa US Senate kasunod ng re-election ng isang democrat candidate sa Nevada.
Iniulat ni Bombo correspondent Rex Viejon, international correspondent sa Washington D.C., nais matiyak daw ng partido ni US President Joe Biden ang clear majority sa senado.
Sinabi mismo ng presidente na mas mabuti umano ang future ng kaniyang agenda kung may 51 na democratic senators.
Isasagawa ang runoff election sa Georgia matapos hindi umabot sa 50% threshold sina democratic Sen. Raphael Warnock at republican challenger Herschel Walker.
Sa ngayon, nasa democrats ang 50 seats sa Senado habang nasa Republicans naman ang 49.
Kung sakaling makuha ng republicans ang panalo sa Georgia runoff, i-cast naman ni US Vice President Kamala Harris ang tie-breaking vote para ma-guarantee ang democratic majority sa senado.