KALIBO, Aklan – Target tapusin sa susunod na linggo ang demolisyon sa mga establisyimento sa isla ng Boracay na pasok sa 25-plus-five road at coastal easement zone.
Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Natividad Bernardino, tuloy-tuloy ang kanilang pagtibag sa mga identified establishment kahit na nagkaroon ng tensyon sa ilang nagmamay-ari ng mga istraktura.
Nilinaw nito na inilipat sa Branch 8 ng Regional Trial Court, Kalibo ang kaso ng 10 establisyimentong na una nang nagmatigas na ipatibag ang kanilang istraktura makaraang tumanggi naman si Judge Ronald Exmundo ng Branch 7 na dinggin ang kaso ng mga nasabing establishment owners.
Maalalang nabigo ang 10 building owners sa Boracay na mapatigil ang pagtibag sa kanilang mga istraktura makaraang hindi pinagbigyan sa hiling nilang order of injunction.