-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Task Force Bangon Marawi chairman Sec. Eduardo del Rosario ang pag-demolish ng sectors 8 an 9 sa mostly affected area sa Marawi City.

Inamin ni del Rosario na natagalan silang magsimula sa pag-demolish dahil hinintay pa nila ang permiso at go signal mula sa office of the building officials.

Kung maalala, mahigpit na ipinagbabawal sa mga contractors nga pumasok sa most affected area dahil sa posibleng mga nakatagong bomba na itinanim ng grupong Maute-ISIS taong 2017.

Ang contractors ang siyang kukuha at lilinis sa mga naiwang debris ng mga nasirang pasilidad sa itinuring na ground zero.

Binanggit ng kalihim na magiging maselan ang kanilang gagawing paglilinis sa mostly affected area.

Ngayong Hulyo aasahang makakapasok sa ilang sectors ang internally displaced person (IDPs) sa bisa ng go signal mula sa Task Force Bangon Marawi.