Napili ng Dictionary.com ang salitang “Demure” bilang 2024 word of the year.
Tinalo nito ang mga salita gaya ng “brainrot”, “brat” at “Weird”.
Ang salitang “Demure” kasi ay tumaas ang paggamit nito kung saan mula Enero hanggang Agosto ay mayroon pagtaas na 1,200 percent.
Sumikat pa lalo ang salita ng laging ginagamit ng sikat na TikToker at beauty influencer na is Jools Lebron.
Lagi kasi nitong nagagamit ang salita sa pamamagitan ng “very demure, very mindful” na laging nasasama sa mga video niya.
Ayon sa Dictionary.com na ang salitang “Demure” ay nagagamit para tukuyin ang discrete o nakatagong pag-uugali.
Panibago itong nagagamit sa social media na iniuugnay sa kaanyuhan ng isang tao at ang paraan kung paano ito gumawa sa mga pampublikong lugar.
Maging ang mga sikat na personalidad gaya nina Kim Kardashian, Jennifer Lopez, at “Drag Race” host RuPaul ay sumakay din sa kasikatan ng salita sa pamamagitan ng paggamit nila ito para maipromote ang kanilang mga clothing brand.