Umabot na sa 37 ang bilang ng dengue cases sa lalawigan ng Iloilo ngayong 2022.
Sa rekord ng Iloilo Provincial Health Office, 29 ang naitala noong Enero kung saan dalawa ang patay.
Walo naman ang dumagdag sa unang linggo ng buwang kasalukuyan kung sang saan apat ang admitted sa public hospitals.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr., sinabi nito na dalawa ang nasa Rep. Pedro Trono Memorial District Hospital sa Guimbal; isa sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan; at isa sa Jesus M. Colmenares District Hospital sa Balasan.
Ayon pa sa gobernador, karamihan sa mga pasyente at mga batang lalaki edad 1-10 taong gulang.
Isasailalim rin ang lalawigan sa Alert Level 5 at dagdagan ng “social distancing” ang “4S” strategy upang malabanan ang pagkalat ng mosquito-borne viral disease.
Ngayong taon ang third year ng three-year cycle ng dengue outbreaks sa Iloilo kung kaya’t binalaan ng PHO ang publiko laban sa posibleng spike ng kaso.