CENTRAL MINDANAO – Bahagyang tumaas ang dengue cases sa bayan ng Kabacan, Cotabato nitong nagdaang Marso 2021.
Batay sa datos, ito na rin ay sanhi ng mga pag-uulang nararanasan nitong unang quarter ng taon.
Muli namang nagpaalala si sanitary officer Naga Sarip na laging pakaingatan ang sarili at ugaliing mag sagawa ng search and destroy sa mga kapaligiran na puwedeng bahayan ng lamok.
Samantala, umabot sa mahigit 4,000 mga senior citizen ang mapagkakalooban ng kanilang pension sa apat na barangays na kinabibilangan ng Poblacion, Malamote, Upper Paatan at Katidtuan sa bayan ng Kabacan.
Aniya, mahalaga ang bawat mamamayan sa bayan lalo na ang mga senior citizen.
Para kay Mayor Herlo Guzman, Jr. hindi mararating ng Kabacan ngayon kung ano ang meron ito kung hindi dahil sa sinimulan ng mga senior citizen.
Samantala, asahan naman na magpapatuloy pa ang pagkakaloob ng pension sa mga senior citizen sa iba pang barangay.
Ito ay makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal ng barangay o kaya sa LGU.