CENTRAL MINDANAO- Bahagyang bumaba ang kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan Cotabato nitong nagdaang Hunyo 2021.
Kaugnay nito patuloy parin ang paghihimok ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa mga residente na magsagawa ng search and destroy sa mga pwedeng pamahayan ng lamok.
Samantala, base sa quarter report tumaas ang bilang ng dengue ngayong quarter kumpara sa kaperhang quarter nito noong taong 2020.
Tumaas ng pitong kaso ng dengue ngayong kwarter kumpara noong 2020. Ayon sa RHU Kabacan, may malaking kontribusyon ang nasabing mga nararanasang pag-uulan nitong una at ikalawang kwarter ng taon.
Paniniguro ng RHU na nakahanda ang kanilang tanggapan upang mag-abot ng tulong tulad na lamang ng pagsasagawa ng fogging.
Panawagan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa lahat na sundin ang paalala ng tanggapan ng RHU para iwas dengue.