-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pumalo na sa 15 ang kaso ng dengue na naitala sa bayan ng Kabacan, Cotabato para sa buwan ng Oktubre 2021.

Kung ikukumpara, mas mataas ito sa kaparehong buwan noong nagdaang taon.

Ayon kay MHO Dr. Sofronio Edu, Jr. madalas na tumataas ang kaso ng dengue tuwing rainy season.

Kung kaya puspusan din ang paghihikayat ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na laging pakaingatan ang sarili, at i-check ang mga lugar na puwedeng bahayan ng mga lamok.

Samantala, 10 magbababoy ang nagpatala sa Philippine Crop Insurance Crop Center (PCIC) sa tulong ng Municipal Agriculture Office.

Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa bayan ng M’lang na state of calamity dahil sa ASF.

Ayon sa tanggapan, malaki ang maitutulong ng PCIC hindi lamang sa magbababoy bagkus sa lahat ng sektor ng magsasaka at mangingisda.

Ang mga nabanggit na magbababoy ay mula sa Brgy. Dagupan ng bayan ng Kabacan.

Hinikayat naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang publiko na makipag-ugnayan sa Agriculture Office para sa kahalintulad na tulong.