-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umakyat pa ang bilang ng mga naitalang dengue cases sa probinsya ng Cotabato ngayong taon.

Sa huling tala ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), nasa 892 dengue cases na ang naitala sa lalawigan mula sa 18 bayan kabilang ang Makilala na nangunguna sa may pinakamaraming kaso nito na may 170, Kidapawan City (92), Matalam (81), Libungan (60), Aleosan (58), Midsayap, (54), Mlang (50), Arakan (47), Pikit (46), Pigcawayan, (46), Alamada (42), Tulunan (40), Kabakan (39), Pres. Roxas (20), Magpet (16), Antipas (15), Banisilan (11) at Carmen (5).

Dahil ditto, ayon kay IPHO-Cotabato Head Dr. Eva Rabaya, nagpapatuloy ang ginagawa nilang aksyon upang masugpo ang mga lamok na nagdadala ng naturang sakit tulad ng pagsasagawa ng imbestigasyon at inspeksyon sa mga breeding sites nito sa Makilala at Matalam; distribution ng NS1 Dengue kits sa lahat ng bayan at siyudad sa lalawigan; technical support sa mga fogging operations sa Makilala, Pikit, Kabacan, at Alamada; coaching and mentoring for indoor residual spraying sa Libungan; at fogging and operation kulob activities.

Nagpaalala naman si Rabaya sa mga mamamayan sa pagsunod sa 4s Strategy – Search and destroy, Self-protection measures, Seek early consultation at Say no to indiscriminate fogging – upang maprotektahan ang sarili laban sa sakit na dengue.